Mga nagkalat na kalaswaan sa cellphone’
BAHALA SI TULFO Ni Ben Tulfo
Pinag-iingat namin ang mga magulang lalung-lalo na ‘yung mga may anak na kababaihan na nahihilig sa cell phone.
Nagkalat ngayon ang iba’t-ibang uring kalaswaan sa cell phone. Pinaka-popular dito ang tinatawag na "scandal" kung saan nagagamit ang pangalan ng ilang sikat na unibersidad particular na ‘yung mga nasa U-belt.
Karaniwang biktima nito ang mga kabataang kababaihang kasali sa mga fraternity o sorority. May ilang mga bagay na ginagawa na bahagi ng kanilang "initiation" na hindi nakikita ng iba. Pero nakukunan ito gamit ang mga "high-end na cell phone.
Hindi lamang dito nangyayari ang panggigipit. Maging sa mga magkasintahan, nagagamit din ito bilang pang "black mail".
Dahil sa "connectivity" o yung "bluetooth" at "infrared", madaling naipapasa ang mga kalaswaang ito. Kung tutuusin, maituturing na rin itong krimen...
Pero walang partikular na ahensiya na nagbabantay sa krimeng tulad nito. Kaya naman patuloy ang pagkalat ng ganitong uring kalaswaan, hindi lamang sa personal na cellphone ngunit maging sa mga cellphone shops. Kung saan ito mabentang-mabenta lalong-lalo na sa mga kabataan.
Walang paraan para mapigil ang pagkalat ng ganitong uring kalaswaan. Bahagi ito ng mabilis na pagbabago ng hindi lamang ng teknolohiya maging ng kultura.
Walang katiyakan kung hanggang kailan mamamayagpag ang kalaswaan sa mga cellphone. Tanging pag-iingat lamang ang magsisilbing pananggalang ng mga kabataang kababaihan sa ganitong uring kalaswaan. * * *
Hotline numbers: 0918-934-64-17 o tumawag sa 932-89-19/ 932-53-10.
Bahala si Tulfo, Monday-Friday, 9:00 - 10:00 am, UNTV 37, simulcast sa DZME 1530 khz.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home