Konsehal kinastigo ng Palasyo sa sexual harassment
Ang Pilipino STAR Ngayon 08/20/2005
Binigyan ng Palasyo ng 15 araw para magpaliwanag si Olongapo City Councilor Noel Atienza kaugnay sa sexual harassment complaint laban dito ng isang empleyado ng Sangguniang Panglungsod.
Iniutos ni Deputy Executive Secretary for Legal Affairs Manuel Gaite na magsumite si Coun. Atienza ng kanyang verified answer sa loob ng 15 araw kaugnay sa reklamo ni Ester Rabado na empleyado ng city council.
Batay sa reklamo ni Rabago, makailang ulit siyang sumailalim sa sexual harassment mula sa konsehal na isang paglapastangan sa kanyang pagkatao at pagkababae.
Bukod sa kasong administratibo na isinampa ni Rabago kay Atienza sa tanggapan ng Office of the President ay pinag-aaralan din nito ang paghahain ng kasong kriminal laban sa konsehal. (Ulat ni Rudy Andal)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home