'Ano ba ang batas laban sa cybersex'?
BAHALA SI TULFO Ni Ben Tulfo
Ang Pilipino STAR Ngayon
MATAPOS ang Senate hearing sa cybersex nitong nakaraang Lunes, wala pa ring naresolba ang ilan nating mambabatas at mga awtoridad. Malinaw na walang pinatunguhan ang pagpupulong na kinabibilangan ng grupo ni Sen. Manny Villar at NBI Director Reynaldo Wycoco.
Ang siste, hindi nila alam kung saang batas ipapasok ang Cybersex at ibang uring Cybercrimes.
Sa panayam kay Atty. Efren Meneses ng NBI-Anti Fraud live sa UNTV-37 at DZME, inamin niyang nahihirapan nga ang mga awtoridad sa pagtugis sa mga sindikato sa likod ng cybersex.
Bukod sa batas na panlaban dito, sadyang matrabaho raw ang pagbabantay sa mga sindikato sa likod ng cybersex. Nangangailangan din diumano ng pondo ang ahensiyang tulad ng NBI para sa proyektong ito. Bukod pa rito, kailangan din daw nila ang sapat na dami ng tao para tumutok sa pagbabantay sa mga sindikatong sangkot dito.
Isa pang malabo sa isyu ng cybersex ang pagtestigo ng mga kababaihang sangkot dito dahil napakaimposible silang humarap laban sa mga nagmamay-ari ng mga cybersex den dahil dito sila kumikita ng pera.
Kung titingnan, walang pinagkaiba sa isyu ng prostitusyon ang kalagayan ng mga kababaihang sangkot sa cybersex. Kahirapan ang nagtutulak sa kanila para pasukin ang ganitong uring propesyon.
Sa isyu naman ng cybersex at ibang uring cybercrimes, naghahabulan lamang ang mga sindikato at mga awtoridad.
Ika nga ni Atty. Meneses, "noon ay may batas tayo. Pero wala namang ganitong uring krimen. Ngayong nagkaroon ng ibat ibang uring cybercrimes, wala nang malinaw na batas na hahabol sa kanila.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home