Olongapo Subic Volunteers

Saturday, August 27, 2005

Biktimang OFWs sa Iraq walang benepisyo

Biktimang OFWs sa Iraq walang benepisyo

Nina Irish Ann Cruz, Kiko Cueto at Boyet Jadulco ng Abante

Walang makukuhang anumang financial assistance ang tatlong overseas Filipino workers (OFWs) na naging biktima ng ambush sa Iraq mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) dahil sa pagiging undocumented at illegal na pagpuslit ng mga ito papasok sa nasabing bansa.

Ito ang direktang pahayag kahapon ni OWWA Administrator Marianito Roque sa panayam ng Abante. Aniya, nakakalungkot sabihin na talagang hindi makakatanggap ng anumang financial assistance o benepisyo maliban sa repatriation at airport assistance ang mga biktimang sina Federico Samson, engineer ng Lucent Technologies at nasawi sa nasabing insidente; Pedro Galila at Roderick Tayo dahil sa pagiging illegal workers ng mga ito sa Iraq.

"Honestly, wala silang (victims) matatanggap na anumang benepisyo kasi wala talagang record sa amin at sa POEA," ani Roque.

Gayunman sinabi nito na kasalukuyan nilang inaalam ang kumpanya at employer ng mga biktima nang sa gayon ay matulungan man lamang nila ang mga naulilang pamilya ni Samson na makuha ang benepisyong napag-usapan o ipinangako ng mga ito sa kanila.

Samantala, nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa lahat ng mga Pinoy workers na nagtatrabaho ngayon sa Iraq na manatili na lamang sa loob ng kanilang kampo o mas mabuting umuwi na ang mga ito sa Pilipinas dahil sa napakalaking banta sa kanilang buhay.

Mismong si DFA Secretary Alberto Romulo ang nanawagan para sa agarang pagpapauwi sa mga ito.

Iginiit naman ni Senador Manuel Villar sa pamahalaan na higpitan ang pagbabantay sa pagpapadala ng OFWs sa Iraq matapos na mapatay ang isang Pinoy sa dito.

 
 
Federico Samson is from Brgy Sta Rita, Olongapo City

0 Comments:

Post a Comment

<< Home