6 sundalo sa rape mapaparusahan — US
Ang Pilipino STAR Ngayon
Tiniyak ni US Charge de Affair Joe Mussomeli sa gobyerno ng Pilipinas na walang mangyayaring "whitewash" sa kasong rape laban sa anim na US military personnel at nakahanda ang Amerika na ibigay sa kustodiya at hurisdiksyon ng bansa ang paglilitis kung sakaling mapatunayang nagkasala ang mga suspek.
Nakahanda ring magbigay ng anumang tulong ang pamahalaan ng US partikular na ang pinansyal sa 22-anyos na biktima bilang pambayad danyos sa nangyaring pananamantala.
Kabilang sa mga suspek na nahaharap sa kasong rape ay nakilalang sina Keith Silkwood, Daniel Smith, Albert Lara, Dominic Duplantis, Corey Barris at Chad Carpentier na pawang nakatalaga sa 21st Marine Expeditionary Unit-US Marine Corps (21st MEU-USMC) at kasama rin sa RP-US joint military war exercises sa Luzon (TALON Vision 2005).
Samantala, nilinaw naman ni AFP-Public Informartion Officer Chief Col. Tristan Kison, hindi makakaapekto sa taunang war games at hindi saklaw ng Visiting Forces Agreement (VFA) ang nasabing kaso dahil indibidwal na pananagutan na ito at walang kinalaman ang Balikatan exercises.
Sa panig naman ng Malakanyang, tiniyak ni Pangulong Arroyo na mabibigyan ng katarungan ang kasong rape laban sa biktimang 22-anyos na tubong Zamboanga.
Bagaman may pahayag ang US Embassy na ang anim na US Marines ay mananatili sa pangangalaga ng nasabing Embahada, sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na wala naman siyang nakikitang problema para hindi maidaan sa tamang proseso ng batas upang panagutin ang mga suspek.
Nanawagan naman sa Malakanyang ang mga kongresista na agarang bumuo ng isang probe panel na siyang magsasagawa ng paglilitis sa mga akusadong kawal ng US Marines.
Kumpiyansa naman sina Cebu City Rep. Antonio Cuneco at Isabela Rep. Edwin Uy, na mahahawakan ng pamahalaan ang nasabing usapin, upang hindi ito makaapekto sa diplomatikong relasyon ng bansa sa US.
Kasunod nito, lumabas sa pagsusuri ni Dr. Rolando G. Ortiz II sa James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH), nagkaroon ng contusion ang ilang bahagi ng katawan ng biktima at nakitaan ng pamamaga ang loob at labas ng maselang bahagi nito na isang palatandaang inabuso.
Magugunitang, naganap ang panghahalay sa biktima noong araw ng Undas ganap na alas- 9:00 ng gabi nang yayain ng anim na suspek na mamasyal sa palibot ng SBMA, subalit pagsapit sa isang madilim na lugar ay puwersahang sinamantala ang lasing na biktima sa likod ng inarkilang kulay asul na Starex van na may plakang WFK 162. (Jeff Tombado, Ellen Fernando at Lilia Tolentino, Dagdag ulat nina Joy Cantos, Malou Rongalerios at Rudy Andal)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home