Olongapo Subic Volunteers

Monday, August 22, 2005

City hall ginagamit sa cyber sex?

Ulat ni Noel Abuel ng Abante

Pinaiimbestigahan ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang umano’y cyber sex na nangyayari sa loob ng tanggapan ng Olongapo City Hall na kinasasangkutan ng ilang empleyado nito.

Nabuko ang nabanggit na aktibidad nang ibulgar sa sworn-affidavit ng Olongapo City Hall employee na si Ramoncito Sapinoso na madalas diumano nitong maaktuhan ang kapwa kawaning si Esther Rabago na nakikipag-cyber sex gamit ang computer ng city hall.

May pagkakataon pa umanong nagpapaturo sa kanya ng salitang Ingles si Rabago sa kausap nito sa internet na Amerikano ng mga malalaswang salita habang ang isang kasamahan nito ay panay ang tawa habang nakikipag-cyber sex. Hindi rin umano pinaligtas ni Rabago ang pakikipag-chat at cyber sex tuwing araw ng Sabado at Linggo kung saan idinagdag pa nito sa kanyang affidavit na sa pamamagitan ng webcam ay nagagawa ang malalaswang gawain ng una.

Si Rabago ay naunang nag-akusa ng sexual harassment sa konsehal ng lungsod na si Noel Atienza dahil sa umano’y pagsasalita nito ng malaswa sa kanya, dahilan para malapastangan ang kanyang pagkatao bilang isang babae.

Pinabulaanan naman ni Atienza ang akusasyon laban sa kanya ni Rabago kung saan posible umanong bahagi ito ng ‘demolition job’ laban sa kanya bunsod ng plano nitong pagtakbong vice mayor ng lungsod.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home